Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magaan dahil aprub sa nakararami

0 147

Ang saya ng biyahe sa NLEX nitong holiday season at ganundin sa SLEX base sa aking monitoring sa daloy ng mga sasakyan noong Holiday season at maging nitong patapos na ang bakasyon kung saan ay nag-uwian na sa Metro Manila ang ilan nating mga kababayan.

Sa totoo lang ay kabado pa akong umuwi ng probinsya namin sa Zambales dahil bukod sa napakaraming protocol ay inisip ko ang matinding trapikong bubunuin ko.

Pero nagkamali ako dahil napaka-smooth ng aming biyahe noong bago mag-Bagong Taon.

Kabilang ako sa marami nating kababayang nagdesisyong sa probinsya magdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

Sa kabila nito ay naging kapansin-pansin ang napaka-komportable at maaliwalas na paglalakbay papunta’t pabalik dahil maayos at mabilis ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX), lalo na sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) noong Kapaskuhan at pagkatapos ng Bagong Taon.

Kinumpirma ito ng Department of Transportation (DOTr) dahil base sa report sa daloy ng trapiko sa NLEX at SCTEX noong December 18, 2020 hangang January 4, 2021 walang naitalang anumang matinding aksidente sa mga naturang expressway kaya maayos ang biyahe ng ating mga kababayan.

Walang nangyari ayon sa DOTr na pagbigat na daloy ng trapiko sa NLEX at SCTEX, lalo na sa mga toll plaza, kahit umabot sa peak na mahigit sa 323K ang volume ng mga sasakyan noong Christmas rush.

Pero hindi ito mangyayari kung walang paghahandang ginawa ang mga tagapangasiwa gaya ni NLEX Corporation president Mr. Jose Luigi Bautista na keber sa Pasko at Bagong Taon dahil tumutok siya ng bongga para masigurong walang aberya sa ating mga biyahe.

Ang “continuous improvement” ang pangunahing panuntunan ng NLEX Corporation, ayon kay Mr. Bautista para matiyak na maganda ang karanasan ng lahat ng motorista sa tuwing nagbibiyahe sa NLEX at SCTEX.

SM food to go Banner Ad

Hindi lang iyan dahil ilang buwan bago mag-Pasko ay nagplano at nagsagawa na sila ng mga hakbang upang makontrol ang pagsisikip ng mga toll plaza sa panahon ng Kapaskuhan gaya ng pagdaragdag ng 1,000 personnel sa toll plazas.

Pero siyempre ayon sa korporasyon malaking tulong sa maayos na daloy ng NLEX at SLEX ay ang maluwag na pagtanggap ng publiko sa paggamit ng RFID. Yun na!

*
Agaw eksena ngayon ang tinaguriang ‘BTS’ sa Kamara na binubuo ng mga kongresistang kaalyado ni Taguig Cong at dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Maingay ang paglutang ng grupo na noong una ay napagkamalang sikat na K-pop idols na BTS. Pero ito palang acronym na BTS ay hindi lang pangalan ng K-pop group kundi ang ibig sabihin din nito ay Be There Soon o kaya ay Behind The Scene.

Marami silang gustong ipakahulugan sa BTS nariyan ring tawagin itong Balik sa Tamang Serbisyo, Bayanihan, Tapang at Serbisyo na tila daw nawala na ngayon sa Kamara at hangad natin magtagumpay sila sa kanilang layunin.

Nagdesisyon ang grupo na buuin ang BTS upang tutukan ang mahahalagang isyu tulad ng COVID-19 vaccination program at economic recovery ng bansa, presyo ng bilihin at kuryente, at iba pang nakakaapekto sa pang araw-araw na buhay ng mga mamamayang Pilipino.

May tugon rin sila sa mga kababayan nating sumasakit ang ulo sa pagtaas ng kontribusyon sa PhilHealth at SSS.

Pero isa sa pinaka bet kong laban ng BTS ay ang Charter-change. Di ba’t sa dami ng problemang kinaharap natin dahil sa COVID . Ang tanong kayanin kaya nila ang nakakairitang usaping ito?

Sabagay subok na ang husay ng bumbuo ng BTS na sina dating Deputy Speakers Camarines Sur Cong LRay Villafuerte, Laguna Cong. Dan Fernandez, Batangas Cong. Raneo Abu at Capiz Cong. Fredenil Castro, Bulacan Cong. Jonathan Sy-Alvarado at Anakalusugan partylist Cong. Mike Defensor!

Leave A Reply

Your email address will not be published.