Abante Tonite Interactive

Magaling humalik si Tom — Lovi

143

NAG-RENEW na ng exclusive contract sa GMA si Lovi Poe.
Tatlong taon ang pinir­mahan niyang exclusive contract sa Kapuso network.

Ang Someone To Watch Over Me kung saan ay kapareha niya si Tom Rodriguez ang isa sa shows ni Lovi sa bago niyang kontrata.

May intimate scenes sila ni Tom sa bago nilang series. Nag-usap sila ng bago niyang leading man na hindi sila dapat mailang sa kanilang mga eksenang kailangan nilang maging intimate sa isa’t isa.

May mga pagkakataon na bigla na lang nilang iki-kiss ang isa’t isa sa kanilang mga eksena kahit walang sinasabi ang kanilang direktor.

Usapan nila ‘yon, kaya wala nang ila­ngan pa.
Sabi ni Lovi, ma­galing humalik si Tom at kung ire-rate niya ang aktor in a scale of one to ten na ang pinakamataas ay ten, more than ten pa ang aktor.

Sa galing humalik ni Tom, nagkomento kami na suwerte siya sa bago niyang leading man.
Nilinaw ni Lovi na suwerte rin sa kanya si Tom!

Walang boyfriend ngayon si Lovi, kaya kahit na gaano katindi ang lampungan at halikan nila ni Tom sa mga eksena nila sa Someone To Watch Over Me ay walang magre-react sa part niya, pero kay Tom, meron … si Carla Abellana!

Hindi ba siya natatakot sa reaksyon ni Carla?!
“Hindi! We’re friends. Kilalang-kilala namin ni Carla ang isa’t isa. She has no­thing to worry!” paninigurado ni Lovi.

Sampung taon nang artista si Lovi at sa tagal niya sa showbiz, alam niya na eksena lang ang mga ginagawa nila ni Tom sa Someone To Watch Over Me.

Nagpapaka-professional lang sila at ayaw na nilang pahirapan ang mga taga-production na pipilitin pa sila na maging sweet sa kanilang mga eksena dahil mag-asawa ang role nila sa bago nilang series.

Okey pa rin ba sa kanya na gumawa sila ng isang proyekto ng ex-boyfriend niyang si Rocco Nacino?

Sinabi ni Lovi na walang problema sa bagay na ‘yon.
Kahit hiwalay na sila ni Rocco, hindi magkaaway ang status nila.

May pinagsamahan sila at hindi ‘yon makakalimutan ni Lovi.
Excited si Lovi sa Someone To Watch Over Me dahil kakaiba ito. Sa istorya ay maagang magkaka-Alzheimer’s disease si Tom.

Sa next series niya, gusto ni Lovi na bigyan naman siya ng isang action show ng GMA 7.

Gusto niyang mag-action dahil bukod sa pagba-boxing, madalas siyang mag-training ng kung anu-anong martial arts.

Ibang experience daw na bigyan siya ng action series ng GMA 7 dahil halos walang babaeng artista na nag-a-action sa TV.