Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magaling mag-alaga San Miguel – Austria

0 421

Hindi makabalik si San Miguel Beer coach Leovino ‘Leo’ Austria sa Sariaya, Quezon sapul nang mag-quarantine nitong March dahil sa travel restrictions na sanhi ng Covid-19, pero batid niya ang magagandang nagyayari sa kanyang bayan.

Malaki ang pasasalamat ng eight-time Philippine Basketball Association (PBA) champion, na kahit apektado ng pandemiya ang ekonomiya ng bansa, ipinahayag ni San Miguel Corporation (SMC) president at COO Ramon S. Ang ang bagong investments sa Sariaya.

Magkakaroon na ang lugar ng modern, state-of-the-art integrated agro-industrial complex to na may brewery, grains terminal at feedmill, ready-to-eat food manufacturing plant, fuel tank farm, at port facilities.

“Nakaka-bilib si Boss RSA dahil kung ‘yung ibang kumpanya dito sa Pilipinas ay nag-aalangan, siya naman tuluy-tuloy ang investment,” bulalas kahapon ni Austria. “Sa panahong ito, maraming tao ang nahihirapan sa buhay. Kaya natutuwa ako na all-out pa si Boss. Marami talagang nangangailangan ng trabaho sa amin sa Sariaya, lalung lalo pa nang tumama ang Covid.”

Pinanganak at lumaki si Austria, 62, sa Sariaya, kung saan din siya natutong magbasketbol patungo sa tungo pagsabak niya bilang player at coach sa nabuwag ng Philippine Amateur Basketball League (PABL) at PBA.

Madalas umuuwi ang Beermen bench tactician sa lugar nang wala pang Covid kapag bakasyon ang pro league at may iba pang mga okasyon upang makipagkamustahan sa mga kamag-anak at kababata.

“Nitong ‘di ako nakakauwi dahil bawal pa rin bumiyahe, marami pa ring nagtatanong sa akin tungkol sa development sa Sariaya kung matutuloy pa. Ang sabi ko basta si Boss, huwag silang mag-aalala dahil magaling mag-alaga ang San Miguel, “ wika pa niya.

Pinanapos na pahayag ni Austria sa mga kababayan na ang San Miguel sa liderato ni RSA, nanguna sa private sector sa pag-ayuda sa Covid-19. Gumastos na ng P13.112B mula pa noong Hunyo. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.