Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magaling na aktor dalahira

0 82

Nakababawas ng respeto para sa isang lalaki ang pagpatol ng kudaan sa isang babae. Mahalay tingnan ang lalaking mas madaldal pa kesa sa babae.

Ganu’n mismo ang imahe ngayon ng isang aktor na magaling umarte, dalahira ang tawag sa kanya ng marami, dahil sa kakakuda laban sa babaeng non-showbiz na nakahiwalay niya.

Unang atake ng aming source, “Wala bang nagpapayo sa male personality na ‘yun na nakakawala ng respeto ang pakikipag-away sa babae? Wala ba siyang mga kaibigang puwedeng magsabi sa kanya na mahalay ang ganu’n?

Nagtagal din naman ang relasyon ng male personality at ng kanyang ka-live-in na non-showbiz, nagkaroon ng produkto ang kanilang pagmamahalan, pero nagkahiwalay rin sila.

Balik-chika ng aming source, “Kung gaano siya katahimik habang nagsasama pa sila, e, ‘yun naman ang kadaldalan niya nu’ng maghiwalay na sila!

“Granting na naunang nagsalita ang girl, sana, hindi na lang siya sagot nang sagot para lang isalba ang image niya! Less is more, di ba?

“Kaso, hindi mapakali ang male personality, palagi niyang ipinagtatanggol ang sarili niya, maraming kumokontra sa mga ginagawa niya! Kalalaking tao, pero kuda nang kuda, ano nga naman ‘yun?” dagdag na impormasyon ng aming impormante.

Maraming naninibago sa magaling pa naman umarteng aktor na ito. Dati kasi ay hindi siya masalita, mailap pa nga siya sa mga interview, kaya maraming nagugulat kung bakit siya ganyan kakuda ngayon.

“Ibang-iba na siya ngayon! Babae, pinapatulan niya? Hindi ba siya nahihiya sa mga pinaggagagawa niya? Gusto lang daw kasi niyang linawin na hindi siya pabayang ama.

“Responsable raw siya, hindi raw niya pinababayaan ang anak niya! E, sa kasasabi niya nu’n, e, lalo lang lumalabas na meron siyang pinagtatakpan.

“Papasok-pasok siya sa seryosong pakikipagrelasyon, e, hindi pa naman pala siya handa, ‘yan ang kinalabasan! Huwag na lang siyang makuda, pabayaan na lang niyang ang girl ang magsalita nang magsalita!

“Gayahin na lang niya ang kaapelyido niyang sikat na male personality na kahit ano ang lumabas, e, deadma lang!” madiing pagtatapos ng aming source.

Raffy nagmura sa sobrang galit

Oo nga naman. Hindi sukat akalain ng palabang news anchor na si Raffy Tulfo na dahil sa mga problemang inilalapit sa kanya ng ating mga kababayan ay magkakaroon pala siya ng panibagong programa.

Sa araw-araw niyang pag-ere sa Wanted Sa Radyo sa 92.3 News FM ng Radyo Singko at sa kanyang pang-umagang show na Raffy Tulfo: Idol In Action ay iba-ibang klase ng problema ang idinudulog sa kanya ng mga Pinoy at maging ng mga banyaga.

“Napakinggan ko na ang halos lahat ng problema ng mga kababayan natin. Lalaking kinaliwa ng asawa, OFW na padala nang padala ng sustento sa pamilya niya dito, pero ipinambababae lang pala ng mister niya!

“Panghahalay sa anak ng mismong ama na kahindik-hindik para sa akin, pag-uuwi ng lalaki sa bahay ng misis habang nagpapakamatay sa pagtatrabaho sa ibang bansa ang mister niya!

“Lahat ng mga problema, e, naglabas-masok na sa tenga ko, nakapagmumura pa nga ako sa sobrang galit, lalo na kapag menor de edad ang nabibiktima!” kuwento ng matagumpay na news anchor.

Dahil sa mga ganu’ng problema ay nagkaideya ang TV5, bakit hindi nila isadula ang mga nagaganap sa buhay ng mga kababayan natin, kaya ipinanganak ang Wanted: Ang Serye.

“In and out lang ako sa programa, ako ang nagtatahi sa kuwento, isinasama rin namin ang actual video ng reklamo nila. Maganda ang programa, punumpuno ng leksiyon,” sabi uli ni Kuya Raffy.

Wala na siyang libreng araw ngayon sa buong linggo dahil sa tatlong programang pang-araw-araw niyang ihino-host. Pero may itinitira siyang dalawang araw na para lang sa kanilang pamilya.

“Every Sunday, du’n kami sa bahay ng mommy ko, hindi puwedeng mahinto ‘yun, nagkikita-kita kaming magkakapatid du’n.

“Ang Sabado naman, amin lang ‘yun ng family ko. Puwedeng lumabas kami at puwede namang sa bahay lang ang bonding namin. Pareho kami ni Jocelyn (kinatawan ng Party List), walang makaaagaw sa Saturday at Sunday namin,” masayang kuwento pa ng palabang news anchor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.