Abante Tonite Interactive

Magaling na aktres palabigasan ng aktor

By
0 814

Nanghihinayang naman kami sa isang magaling na aktres. Nag-iba kasi ang pananaw niya sa showbiz.

Pera-pera na ang laban niya sa buhay ngayon. Kung dati-rati ay namimili pa ito ng mga project na ini-o-offer sa kanya, ngayon ay baligtad na. Ang importante raw sa kanya ay mabayaran siya nang tama. At kay taas maningil ngayon ang mahusay pa namang aktres na ito.

Naloka at tumambling ang isa naming friend nang alukin siya na ilagay lang ang kanyang pangalan sa billboard para sa isang proyekto. Humingi ito ng 3M na talent fee. Nawindang ang aming friend kaya hindi na niya ito kinuha.

Kailangan daw niya kasing kumayod nang husto para tustusan ang batang aktor na karelasyon. Wala raw kasing project ngayon ang dyowa kaya siya ang work to death. Lumalabas tuloy na sugar mommy siya ng aktor.