Abante Tonite Interactive

Magaling na aktres, sagad sa buto ang pagdi-DIVA!

By
13

THE height na ba sa kadi­vahan itong inaasta ng kilala at magaling na aktres na hanggang nga­yon ay hindi pa rin nagbabago?

Kuwento ng isang insider sa project na tinatampukan nitong maga­ling na aktres, gusto nang sumuko ng mga staff sa attitude na ipinapakita nito.

Matagal nang nangyari ito dahil naipalabas na ang project na ginaw­a niya.

Nasa isang park somewhere in Metr­o Manila ang shoot nito, at kapag medyo malayo ang location, nagpapasundo ito sa service ng production.

Pero dapat bago at mabango ang van na pansundo sa kanya dahil kung hindi, papapa­litan niya ito.

Pagdating sa set, a­yaw bumaba ng aktres dahil may nakita siyang kabayo sa tabi ng dres­sing room nila.

Kasama sa shoot ‘yung kabayo, pero hindi nataypan ni aktres dahil mapanghi raw ito.

Ayaw na niyan tumigil sa tent na dressing room. Ang gusto niya, i-check in siya sa isang hotel malapit sa location.

Nalokah ang produ­cer dahil wala sa budget ng production ang hotel. Pero ayaw talaga bumaba ni aktres.

May dialogue pa ito na tipong, “Ayaw ko ng mainit. Ayaw ko ng mapanghi. Ayoko nang balikan ang dating lugar na kinalakhan ko!”

Kaya naghanap sil­a ng hotel na kakayanin ng budget para matuloy ang shoot.

Dahil diyan, medyo cold na ang staff kay magaling na aktres at hindi nila ito kinakausap.

Ramdam ni aktres na irita sa kanya ang staff, kaya medyo lumambot ito.

Nag-treat siya ng pizza sa set at nag-volunteer nang siya ang magbaba­yad ng hotel na tinulu­yan niya.

Pero irita na si producer. Hindi na niya binabati si aktres, na medyo nag-behave na pagkatapos niyang magpaandar ng likas niyang pagka-diva.