Abante Tonite Interactive

Magaling na singer muntik palayasin sa dressing room

By
1,037

tonite-no-thanks-cristy-ferminHindi ang mommy ng isang sikat na singer­-actress ang original na may hawak ng korona bilang mataray. Copycat lang ito ng ina ng isang sikat na female performer, se­cond rate trying hard manggagaya lang, hindi sa kanya ang korona.

Mula nu’ng kasagsagan ng career ng kanyang­ anak hanggang ngayon ay bitbit pa rin ni mommy ang kanyang katarayan. Hindi siya pumapayag na may kasama sa dressing room ang kanyang anak, espesyal din ang pagkain ng magaling na female performer, ganu’n palagi ang kasunduan kapag nakikipag-usap si mommy sa talent coordinator.

Kuwento ng aming source, “Aba naman, kahit sikat na sikat ang anak niya, e, meron din siyang mga paboritong singers, di ba? Faney din ang anak niya, siyempre, may mga hinahangaan din!

“One time, sa isang malaking celebration para sa anniversary ng isang show, e, nagkaubusan na ang dressing room. Wala nang maibigay sa ibang mga singers na magpe-perform.

“Pinapunta muna ng talent coordinator ang isang may edad nang magaling na singer sa dressing room ng sikat na female personality. Nagre-rehearse pa nu’n ang sikat na singer.

“Mas naunang bumalik sa dressing room ang mommy niya, kaya nu’ng makita niya ang magaling na female performer, agad na siyang nagtaray. Ang tanong ni mommy na nakataas ang kilay, ‘What are you doing here?’

“Magtataray pa sana si mommy, pero biglang pumasok ang anak niya, gulat na gulat ang sikat na singer,­ yumakap agad sa may edad na magaling na singer. ‘Wow, you’re here! I really miss you, I’m your fan! I can sing your songs without any prompter!’

“Naloka si mommy, idolo pala ng anak niya ang gusto niyang paalisin sa dressing room! Wala na siyang nagawa, share-share na lang sila sa dressing room na mahigpit niyang ipinagbilin sa talent coordinator na kailangang anak lang niya ang nandu’n at walang ibang kasama!
“Tumiklop ang mga pakpak ni mommy, parang binudburan ng asin ang buo niyang katawan sa pagkapahiya sa pinaaalis niyang magaling na

singer!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

 

 

Trillanes, De Lima pinaglaruan sa larawan ng KathNiel

 

Ang galing-galing talagang mang-inis ng ibang kababayan natin. Ang masasaklap na kaganapan sa buhay ng iba ay nagagawa pa nilang komedya.

Kalat na ang retrato nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa social media na pinalitan ng mukha nina Senador Leila de Lima at Senador Antonio Trillanes.

Ang ginawang titulo ng mga malikhaing gumawa nu’n ay The Hows Arrest Of Us. Nakakulong na ngayon sa PNP Custodial Center ang senadora at balitang-balita namang nakatakdang ikulong ngayon si Senator Trillanes dahil sa usapin ng kanyang amnestiya na ibinigay ng nakaraang tagapamuno na si P-Noy na kinukuwestiyon at pinawawalang-bisa ngayon ng administrasyong Duterte.

Nangwasak na sa takilya ang pelikula nina DJ at Kath ay sila pa rin ang pinag-uusapan hanggang ngayon sa social media dahil sa pagreretoke ng kanilang mga mukha sa retrato.

Marami na kaming nakakakuwentuhan na nakapanood ng kanilang pelikula, magagaling daw ang lahat ng mga gumanap sa The Hows Of Us, puwera lang sa singer na si Darren Espanto.

Sabi ni Jerome, anak-anakan naming numero u­nong tagahanga ni Kathryn, “Sana, hindi na lang isinama si Darren Espanto sa movie. Siya lang ang panira sa buong kuwento. Nakapa-OA niya, magaling siyang singer pero hindi siya puwedeng artista.”

May isang source namang nagsabi sa amin na hindi raw boses ni Darren ang ginamit sa pelikula, ipina-dub daw ‘yun, OA daw ang pagkaka-dub ng boses ng singer na hindi umayon sa kanyang pagganap.