Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magalong binalaan mga agency: Bawal magpapasok ng turista

0 344

Nagbabala si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga tour agency na iligal na nagpapasok ng mga turista sa lungsod.

“We underscore, Baguio City remains closed to tourists and leisure activities while the coronavirus disease 2019 (Covid-19) still hovers; and, while quarantine measures are still in effect,” ayon sa advisory na nilabas ng lokal na pamahalaan makaraang makataggap ng mga ulat ng umano’y pagtanggap ng mga tour agency ng reservation sa kabila ng quarantine.

Mapaparusahan umano ayon sa Bayanihan to Heal as One Act ang sinumang mahuhuling lumalabag sa kautusan. Kabilang dito ang pagkakulong ng dalawang buwan at/o pagmumulta ng hindi bababa sa P10,000 hanggang P1 milyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.