Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magalong dismayado sa contact tracing

0 238

Nagpahayag ng pagkadismaya si Baguio City Mayor Benjamin Magalong dahil hindi pinaigting ang contact tracing lalo na sa panig ng mga pamahalaang lokal sa harap na rin ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, hinimok ng contact tracing czar ang mga local government unit na paigtingin ang naturang hakbang para maawat ang pagsirit ng COVID-19.

Nakadepende aniya ang contact tracing sa mga pamahalaang lokal.

“This is heavy reliant doon sa performance ng local government. They have to aspire, they have to exert more effort,” sabi ni Magalong sa panayam sa radyo nitong Linggo.

Nanghihinayang ang alkalde dahil hindi aniya napanatili ng mga pamahalaang lokal ang pagpapatupad ng contact tracing.

Leave A Reply

Your email address will not be published.