Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magalong kinumpirma UK variant sa Baguio

0 79

Umabot na sa Baguio City ang bagong variant ng COVID-19 na unang na-detect sa United Kingdom.

Kinumpirma ni Mayor Benjamin Magalong nitong Lunes na isang 30-anyos na babae ang unang kaso ng B117 o UK variant sa summer capital.

Nagpositibo umano sa COVID-19 test ang babae noong Pebrero 12 at nakarekiber Pebrero 23.

SM food to go Banner Ad

Subalit lumabas noong Pebrero 28 ang resulta sa ginawang genome sequencing sa kanya kung saan nakita na positibo siya sa mas nakahahawa umanong UK variant.

Iniimbestigahan na kung may kaugnayan ito sa unang nai-report na mga UK variant case sa La Trinidad, Benguet at Bontoc.

Noong nakaraang linggo sinabi ni La Trinidad Mayor Romeo Salda na lahat ng indibiduwal sa kanilang lugar na nagpositibo sa UK variant ay nakarekober na. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.