Abante Tonite Interactive

Magandang aktres nagtitinda ng buhay na karne

By
3,248

tonite-no-thanks-cristy-ferminDumaan sa matin­ding panga­ngailangan ang isang female personality na hindi na masyadong bata pero hindi pa rin naman masasabing matanda na. Produkto siya ng isang malawakang pa-contest ng isang network.

Sabi’y siya raw kasi ang posteng kinakapitan ng kanyang pamilya, siya ang nag-iisang inaasahan, kaya nagkaisip siyang pumasok sa isang sideline na mabilisan ang pagkita.

Kapag kailangang-kailangan niya ng pera ay tumatawag siya sa isang female personality na may kontak sa mga Boogie Wonderland (read: pimp). Kung minsan ay ito na mismo ang nagrereto sa aktres sa mapeperang kalalakihan.

Isang gabi ay nakita ng aming source ang female personality na nagsisilbing dyugaling ng aktres, kailangan daw nitong magbantay, dahil baka hindi ito mabayaran ng magandang aktres para sa kanyang komisyon.

Sabi ng female personality sa aming source, “Nakikita mo ang iniinom kong iced tea na ito? Hindi ko pa ito nauubos, pababa na si ____(pangalan ng magandang aktres). Tapos na siyang rumaket.”

Maya-maya nga ay lumalabas na sa elevator ang magandang aktres, hindi siya agad makikilala, may suot siyang cap at parang batang may backpack.

Kuwento ng aming source, “May iniabot siyang datung sa female personality, ‘yun si­guro ang komisyon na hinihintay niya. Kundi ko nakita mismo ang pangyayari with my own two eyes, hindi ko paniniwalaang suma-sideline ang girl!
“Juice ko! Bagets na bagets siyang tingnan, parang wala siyang muwang sa biglang tingin, alam kaya ng boyfriend niya ngayon ang mga pinaggagagawa niya? Hindi mo talaga siya mapagkakamalang gumagawa ng milagro!” namamanghang kuwento ng aming source.

Napapanood namin palagi sa isang matagumpay na serye ang magandang aktres, napakasimple ng role na ginagampanan niya, inosente ang kanyang itsura.

Kundi lang may kredibilidad ang aming impormante na hindi nanununog at nangunguryente sa kanyang mga kuwento ay hindi namin paniniwalaang nagtitinda pala ng buhay na karne ang magandang aktres.
Whew!
***

Kathy binulabog si Joel

Muling binulabog ng kababayan nating nagnenegosyo sa Brunei na si Kathy Dupaya ang pananahimik ng tinatawag na Lord Of Scents na si Joel Cruz. At hindi basta pambubulabog ang kanyang ginawa, nananawagan siya sa BIR at kay Pangulong Rodrigo Duterte, dahil hindi raw nagbabayad nang tamang buwis ang negos­yante ng mga pabango.

At isang sundalong armado ang dating ni Kathlyn, may dala-dala siyang mga piraso ng ebidensiya na magdidiin kay Joel Cruz, bilyunang piso ang tinutukoy ng kanyang pagsusumbong sa Rentas Internas.

Parang pinaghandaan nang husto ni Gng. Dupaya ang kanyang hakbang, naipon niya ang mga dokumentong nagpapakita na konting-konting ha­laga lang ang pinakikinabangan ng gobyerno mula sa negosyo ni Joel Cruz, kaya nararapat lang itong habulin.

Napakalaking problema para kay Joel Cruz ang inilantad na rebelasyon ni Kathy Dupaya, lalo na kung may katotohanan nga ang kanyang mga akusasyon, kailangang asikasuhin ng negosyante ang kanyang mga libro dahil mabilis kumilos ang BIR sa mga gantiong senaryo.

Marami nang malalaking negos­yong naipasara ang ating pamahalaan dahil sa hindi pagbabayad ng kaukulang tax, malaki ang posibilidad na kalantariin ng BIR ang estado ng mga libro ng Aficionado, para mapatuna­yan lang kung totoo ba ang mga akusasyon ni Kathy Dupaya.

Nakakaalarma ang isyung ito, dahil kapag napatunayang totoo nga ang mga rebelasyon ng businesswoman ng Brunei, baka ang titulong Lord Of Scents ni Joel Cruz ay maging Lord Of Cents na lang dahil baka wala nang matira sa kanyang kayamanan sa dapat niyang panagutan sa BIR.