Abante Tonite Interactive

Magandang alaala kay Shola

By
2,312

Bago lisanin ang Jose Rizal University, mag-iiwan ng magandang alaala si power hitter Ma. Shola May Alvarez.

Kumayod ng todo upang isampa ni 20-year-old Alvarez sa semifinals ng 93rd NCAA women’s indoor volleyball tournament Lady Bombers, kinapos sa finals pero malaking bagay na ito sa JRU dahil unang Final Four pa lang nila sapul ng sumali sa liga noong 1927 at magkaroon ng event sa liga noong 1975-76 season.

Napawi ang pagod at paghihirap ni 5-foot-7 Alvarez matapos siyang tanghaling season Most Valuable Player kahapon.

“Worth it lahat,” saad ni Alvarez sa Filoil Arena, San Juan City.

May average na league-best 21.3 points si Alvarez upang ungusan si Aurea Francesca Racraquin ng San Beda College.

Nahirang din na MVPs sina Joebert Almodiel at Kirth Patrick Rosos ng University of Perpetual Help System Dalta sa seniors at juniors divisions.

Ang ibang awardees sa women’s side, ay sina Jovelyn Grace Prado ng Aarellano University (First Outside Spiker),  Ma. Lourdes Clemente ng Perpetual (First Middle Blocker), Joyce Sta. Rita ng San Sebastian College (Second Middle Blocker), Alyssa Eroa ng SSC (Libero), Vira Guillema ng Baste (Setter) at Regine Anne Arocha ng AU (Opposite Spiker). (Elech Dawa)