Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magandang balita sa mga solo parent

0 133

Isa sa mga batas na nilagdaan ni outgoing President Rodrigo Duterte itong Republic Act 11861 o Expanded Solo Parents Welfares Act.

Good news ito sa halos 15 milyong solo parents sa ating bansa dahil mabibigyan sila ng dagdag prebiliheyo at suporta mula sa gobyerno.

Sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), dito sa Pilipinas ay may 15 milyong solo parents at 95% nito ay mga kababaihan.

Pinalakas ng batas na ito ang dalawang dekada nang RA 8971 o Solo Parent’s Welfare Act of 2020 kung saan madadagdagan ang benepisyo ng mga solo parent at kanilang pamilya at mapapalawag ang ‘scope of applicability’ ng benepisyo na para sa kanila.

Sa ilalim ng batas na ito, ang solo parent ay entitle sa 10% discount kasama na ang value-added tax exemption para sa baby’s food, micronutrient supplements, medicine, at iba pang medical supplements para sa mga magulang na kumikita ng P250,000 kada taon.

Hindi lang yan. Kung matukoy na galing sa pamilyang pamilya ang solo parent, bibigyan sila ng P1,000 bilang dagdag na financial assistance bukod pa ang comprehensive package tulad ng livelihood assistance, counseling, legal services, at iba pa.

Kudos sa mga mambabatas na nagsulong para maisabaas ito. Sa pamamagitan nito, mararamdaman ng mga solo parent na tinutulungan sila ng pamahalaan sa kagaya nilang solong tinataguyod o binubuhay ang kanilang mga anak.

Nakapaloob din sa batas na ito na hindi madi-discriminate ng mga employher ang mga solo parent, kasama na diyan ang work at home set-up at ma-e-enjoy din ang parental leave at iba pang benepisyo na para sa kanila.

Ano nga ba depinisyon ng solo parents batay sa batas na ito. Ang solo parents, ito iyong mga kababaihan na nanganak dahil nabiktima ng rape, mga magulang na naiwang magisa dahil sa iba’t ibang kadahilan tulad ng incarceration, physical at mental incapacity, legal separation at abandonment o iniwan ng kanilang mga asawa o ka-live in.

Paano makukuha ang bebepisyo ng solo parents? Simple lang, kinakailangang kayo ay residente ng isang barangay sa loob ng 6 nabuwan. Magpa-rehistro sa barangay para makakuha ng barangay certificate, at isumite ang mga sumusunod: katibayan ng inyongfinancial status at dokumentong magpapatibay na kayo ay isang solo parent (death certificate o OFW certificate, birth certificate ng mgabata, etc.). Sagutan ang Solo Parent ID Application Form para makuha ang SPIC ID/ booklet. Ito ay kinakailangang i-renew taon-taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.