Abante Tonite Interactive

Magandang layunin ng CCWA

209

Ugali nating mga Pinoy ang gumanti sa kabutihang tinatamasa kaya naman numero uno tayo kapag pagtanaw ng utang na loob ang pinag-uusapan.

Katulad na lamang ng isang samahang a­king kinaaniban noong aking kabataan.
Ito ay ang Christian Child Welfare Association (CCWA) na nagtaguyod upang makapag-aral sa elementarya hanggang sa high school sa bayan ng Botolan sa Zambales ang maraming batang kapos sa buhay.

Nakakalungkot lamang dahil suma­kabilang-buhay na ang isa sa kinilalang nasa likod ng samahang ito at ito ay si Sister Fe Villanueva.

Abante Hiring – IT dep

Sa pamamagitan ni Sister Fe ay na­ging matagumpay ang CCWA sa mithiin nitong bigyan ng edukasyon ang bata sa Botolan.

Katuwang ang mga dayuhang may ma­buting kalooban na karamihan ay mga Hapones ay nakapag-aral ang mga batang naging miyembro ng CCWA.

Nagkaroon ng tinatawag na sponsor ang mga batang nag-aaral sa elementarya kung saan ay pinalad akong mapabilang.

Si G. Toyomi Sakamoto ang tumayo kong sponsor. Siya ang tumustos sa a­king pag-aaral at bilang ganti sa kanyang kabutihan ay pinagbuti ko ang a­king pag-aaral.

Ang kabutihan pa sa pag-iisponsor sa CCWA ng mga dayuhan ay nagbibigay rin sila ng panguna­hing pangangaila­ngan ng pamilya ng mga mi­yembro ng samahan.
Mula bigas, iba pang pangunahing pagkain, damit, allowance ay ipinagkakaloob ng CCWA sa kanilang mga mi­yembro.

Sa CCWA ko rin u­nang naranasang magkaroon ng impok sa bangko dahil idinideposito na­ming mga iskolar ang padalang pera ng a­ming mga sponsor sa rural bank sa a­ming bayan.

Kanya nga lamang dumaan, sa mara­ming problema ang CCWA kaya ito ay nawala at natigil sa pagtulong.

Kaya naman nga­yong nakapagtapos at may sari-sarili ng karera ang mga na­ging scholar ng CCWA ay muli itong binubuhay.

Hindi na mga dayuhang sponsor ang susuporta kundi ang mga natulungang mga dating miyembro na. Maraming plano ang asosasyon na sa aking palagay ay nararapat lamang bilang ganti sa kanilang naging magandang kinabukasan.
Sa mga nasa likod ng pagbuhay sa CCWA, hangad ko ang inyong tagum­pay!