Abante Tonite Interactive

Magandang negosyo

By
612

Nagbabalak ka ba magnegosyo? May naipon ka na bang capital? Hindi alam kung ano ang patok at kikita? May iilan kasi na takot sumugal sa gusto nilang klase ng negosyo dahil maaaring hindi ito pumatok o kumita. Kung magsisimula pa lamang at nag-iisip pa lang ng kung ano ang puwedeng pagkakitaan, mayroon akong iilang ideya na magandang inegosyo na tiyak na kikita.

Unang-una sa listahan ang ‘Food’ — Ang mga Filipino ay kilala bilang malakas sa kanin. Maaari ring magtayo ng rice retailing, at kung medyo may puhunan, magtayo ng sariling restaurant. Ang pagkain ay tiyak na bebenta dahil ito ay pangangaila­ngan ng tao. Kung mapapansin ninyo, nauuso nga­yong panahon na ito ang mga food parks. Kaya negosyong may kaugnayan sa pagkain ang numero unong papatok at kikita.

Pangalawa ay ang ‘Water’ — Tubig ay isa ring pangangailangan ng tao. Tiyak na bebenta ito lalo na kung ikaw ay nakatira sa isang subdivision at ikaw ay magtatayo ng water refilling station. O ‘di kaya’y magtayo ng laundry shop. Sa dami ng condominium ngayon, tiyak na papatok ang laundry shop lalo na kung malapit sa condominium.

Pangatlo ay ang ‘Sari-sari store’ — Kahit marami na ang malls, wala pa ring kupas ang sari-­sari stores. Ito ay subok na effective na maliit na negosyo. Sa salita na sari-sari, iba-iba ang puwedeng ibenta at ‘di dapat mawala ang candy, biskwit, ­sabon (panlaba at panligo) at softdrinks.

Pang-apat ay ‘Printing’ — Malakas din kumita ang printing shops, lalo na kung ikaw ay pupuwesto sa malapit sa mga eskuwelahan. Dahil tiyak na kakailanganin ng mga estudyante na magpa-print ng kanilang mga projects o kung ano mang school works.

Panglima ay ‘Barber shop o Salon’ — Sa panahon ngayon ay sobrang big deal na ng style. Ang mga millennials ay hindi papayag na hindi makakasabay sa uso lalo na kung buhok ang pinag-­uusapan.

Sana makatulong ang iilang ideya na ito para makapagsimula ka na ng negosyo.