Abante Tonite Interactive

Magarbo, naiibang Cotabato

By
1,256

Dahil sa isang importanteng misyon, nagawi tayo sa lungsod Cotabato nitong nakalipas na Sabado. Habang inuulan ang Metro Manila ay siya namang pagkaganda ng panahon sa naturang lungsod ng Maguindanao.

Stone Fort ang eksaktong English translation ng naturang lungsod kung saan hinalaw ang pamumuno ni Sultan Muhammad Kudarat noong unang panahon.

Ngunit sa kabila ng anupamang makasaysa­yang kuwento ng lungsod, iba ang tumangay sa ating pananaw sa makasaysayang lugar na ito sa Mindanao.

Taliwas sa kantang pinasikat ni Lolita Carbon ng Asin na “kasing-gulo ng isip ko…”

“Kapatid sa kapatid, laman sa laman, sila-sila nag-aaway.”

Noong panahong yaon posibleng nangyari ito.

At ang pinakabuod ng kantang ito ay ang pana­wagan ng kapayapaan.

At saganang atin, may kapayapaan na nga sa ngayon sa naturang lugar.

Tawag pansin dito ang iba’t ibang uri ng negosyo meron sa ngayon dito.

Wala pa ang higanteng supermarket SM ngunit naroon na ang Robinsons, Puregold, ­Jollibee, atbp.

Sa kabila ng mga ito at iba’t ibang pangalan ng coffee shop sa business center, tawag pansin din ang iba’t ibang uri ng mga sasakyan.

Pawang modelo ang mga ito.

Mistulang nasa loob ka lang ng Bonifacio Global City sa Taguig na wala ang mga matataas ng building o gusali.

Ngunit naroon sa paligid ang mga Toyota Fortuner, Toyota FJ Cruiser­, Hilux pickups, original Jeep Wrangler, Ford Expedition Platinum atbp.

Pawang modelo ang mga ito, brand new vehicles na animo’y tatlo piso ang mga ito sa ga­wing lugar ng Pilipinas.

“May mga Porsche pa kayong makikita dito sir,” sambit pa ng ating gracious host na si Ben. “Lalo na sir noong panahon ng mga Ampatuan pagandahan talaga ng sasakyan dito.”

Kung anupaman ito, hindi mo maiiwasan na mag-iba ang iyong pananaw sa Cotabato.