Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magat Dam magpapakawala buong Disyembre

0 130

Tuloy umanong magpapakawala ang Magat Dam sa hilagang Luzon, buong Disyembre.

Sa panayam nitong Huwebes, sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) hydrologist Richard Orendain na gagawin ito upang maiwasan na umabot sa mapanganib na antas ang dam na maaaring magresulta sa pagkasira ng istruktura.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasunod ito ng mga pag-ulan na dala ng iba’t ibang weather system, na nakapagpataas sa water level ng dam.

“This month, Magat may not yet close its gate to stop releasing water,” ayon kay Orendain. Dagdag dito, tinataya ng Pagasa na nasa 240 millimeter ang babagsak na ulan mula sa mga tropical cyclone, northeast monsoon o Amihan. Posible rin umanong maranasan ang higit sa normal na pag-ulan ngayong buwan. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.