Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magat, Rosales aangas sa NLEX

0 162

Tiwala si coach Yeng Guiao na malaki ang ayuda ang ibibigay ng mga new addition niyang sina Marion Magat at Kris Rosales sa kampanya ng NLEX.

Natisod ang Road Warriors sa Phoenix 102-93 sa huling laro noong Dec. 25.

Naputol ang 4-0 start sa PBA Governors’ Cup elims, bubuwelta ang NLEX, pero pagbalik na ng season-ending tournament na tinigil mula Jan. 5 dahil sa pagsirit ng mga kaso ng COVID-10 infections sa Metro Manila.

Balik sa poder ni Guiao si Magat mula Blackwater kapalit nina Mike Ayonayon at Will McAloney. Matapos i-trade si Ayonayon, hinugot ng Road Warriors si Rosales mula free agency.

Dagdag na big man si Magat sa NLEX, backup guard si Rosales kay Kevin Alas. Si Philip Paniamogan lang ang pamalit sa kanya sapul nang dumayo sa Japan B.League si Kiefer Ravena.

Pero hindi natural point si Paniamogan na mas sa dos o shooting guard ang laro.

“For several reasons, we felt we needed an extra point guard with the departure of Kiefer. We had a really good combination in Kiefer and Kevin bago umalis si Kiefer for Japan,” paliwanag ni Guiao Lunes.

“We took the risk, we took the gamble on Kris, and after we’ve seen him in practice and in the games, we felt we made the right decisions. Si Marion naman, when we lost Poy (Erram) we got smaller, we didn’t have a rim protector. … That extra height is really very important to us, it makes us a little bit more flexible.”

Target ng NLEX na makarating muna hanggang semifinals ng Govs’ Cup. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.