Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magbayaw dedbol sa tandem

0 296

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang ginang at bayaw nito habang nagsasara ng tindahan ng ‘riding-in-tandem’ sa Quezon City nitong Sabado ng gabi.

Nakilala ang mga biktima na sina Flordelyn Nojapa, 2, may- asawa, store owner, residente ng No. 75 Penafrancia St., Brgy. Payatas, QC, at ang bayaw na si Andy Montanez, 31, may asawa, construction worker, naninirahan sa No. 33 Penafrancia St., ng nasabi ring barangay.

Sa inisyal na report ni PCpl Rodney Bay-Os ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) alas-9:45 ng gabi, July 11 nang ratratin sa loob ng Cipriano Sari-Sari Store ang dalawa.

Nag-uusap umano si Nojapa at Montanez kasama ang mga kaanak na sina Mike, Erick habang nagsasara ng tindahan nang huminto sa harap ang mga suspek sakay ng motorsiklo, isa dito ang bumaba at bigla na lamang silang pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril ay agad namang tumakas ang mga suspek na kapwa nakasuot ng itim na jacket at face masks sakay ng Honda Click motorcycle na walang plaka.

Mabilis namang nakatakbo sina Mike at Erick, subalit minalas na tinamaan si Nojapa at Montanez kaya isinugod ang dalawa sa Maclang Hospital subalit binawian din ang mga ito ng buhay.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo ng naganap na insidente upang makilala ang mga nakatakas na salarin. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.