Magbigay ayon sa laman ng puso

333

Dear Abante Tonite:

Walang paglagyan ang saya natin tuwing nakakatanggap tayo ng regalo, pero kung magbibigay naman ay halos hindi na makalakad at makahinga dahil sa sama ng loob.

Ngayong Kapaskuhan nawa, hindi pairalin ng marami sa atin ang ganitong ugali.

Hindi ba ang turo sa atin mula pagkabata, ay mas mabuti na magbigay kaysa tumanggap, pero bakit marami sa atin ay puro kabig lamang ang gusto?

Maraming ganito sa atin, ang gusto ay bongga ang matanggap na regalo pero ayaw din naman magbigay ng maganda o mapakikinabangang handog.

Patunay diyan ang nakita kong post sa Facebook, hindi siya nakontento at walang kasiyahan nang matanggap ang exchange gift. Talaga namang katakot-takot na reklamo ang sinabi niya sa taong nagbigay sa kanya ng regalo, na hindi naman dapat na humantong pa dito.

Ganito rin halos ang eksena ng mga viral na post ng magkumare na nag-away dahil sa aginaldo na hindi gusto ng nanay ng bata.

Sana kaysa isipin pa ang presyo nu’ng produkto, mas magiging payapa sa lahat kung ang lahat ay magbibigay ayon sa laman ng kanyang puso.

Sheryl ng Pasig City

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...