Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magbilas sosyo sa tindang P34M shabu

0 153

Umaabot sa P34 milyon halaga ng shabu na nakapete sa tea bag ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magbilas sa Marikina City, Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga naaresto na sina Alyssa Marie Merdegia, 22, at Rocky Macabanding, 31, may asawa, vendor at pawang taga-Tumana.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinasa ang operasyon sa E. Santos Street, Concepcion ng nasabing lungsod. Isang ahente ang umiskor ng shabu sa dalawa at nang magkaabutan ay dito na sila inaresto. Nag-ugat ang pag-aresto sa impormasyon mula sa barangay na ang mga suspek ay bahagi ng malaking grupo ng mga tulak sa lugar.

Nabatid na halos isang buwan din na isinailalim sa surveillance ang magbilas makaraan na makatanggap ng tawag sa concern citizen sa pamamagitan ng programang ‘Isumbong Mo Kay Wilkins’.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.