Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magbitiw o magbakasyon?

0 199

Umeksena na mga tsopapips ang Office of the Ombudsman at magsasagawa ng imbestigasyon sa mga isyung idinidikit kay Health Secretary Francisco Duque III na para namang may pandikit sa kamay sa higpit nang pagkakapit sa puwesto niya.

Hindi biro ang sinabi ni Ombudsman Samuel Martires, na parang may itinatago raw ang DOH nang humihingi sila ng ilang impormasyon tungkol sa pagtugon ng ahensiya sa COVID-19 pandemic. Alam natin na katakot-takot na puna ang ibinabato kay Duque sa naging pagkilos ng DOH para maagapan sana ang pagkalat ng virus.

Naghain pa nga resolusyon ang mayorya sa mga senador noong Abril para ipanawagan ang kaniyang pagbibitiw dahil palpak daw ang mga galaw ng DOH simula nang unang maramdaman ang virus sa Pilipinas. At pagkaraan ng ilan pang buwan, sa halip na humusay, eh kabi-kabila pa rin ang naging puna kay Duque tulad ng magkakaibang pahayag niya tungkol sa second wave daw ng virus, at hindi raw nakakahawa ang mga walang sintomas ng sakit.

Idagdag pa diyan ang pagkakaantala ng benepisyo para sa mga medical frontliner na tinamaan ng virus at nasawi o nanganib ang buhay. Mantakin nyong kung hindi pa napag-usapan sa pagdinig ng Senado ang tungkol sa panukalang batas para sa recovery ng ekonomiya ng bansa, aba’y hindi mapag-uusapan ang benepisyo ng mga dakilang medical frontliners na nasa Bayanihan To Heal As One Act.

Your email address will not be published.