Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdamagang walwalan sa Bulacan, buking

0 222

Pananagutin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga may-ari ng nightspots o beer houses kapag napatunayang nagbubukas na ang mga ito ng magdamagan sa mga bayan ng Bocaue at Marilao sa Bulacan bagamat may banta pa ng COVID-19.

Inatasan ni Año ang mga awtoridad na iberipika ang natanggap niyang reklamo kaugnay sa sinasabing magdamagang operasyon ng mga nightspots sa lugar at tukuyin kung sino ang mga may-ari nito upang mapatawan ng kaukulang parusa.

SM food to go Banner Ad

“Hindi pa pinapayagan ang operation ng mga nightspots o beer houses. I will have it checked and investigated and closed,’’ giit ni Año.

Sa report, may mga kababaihan na at ilan dito ay minors ang nagtatrabaho na sa mga nightspots na front ng prostitusyon upang kumita kahit may banta pa ng virus. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.