Abante Tonite Interactive

Magdangal nawindang sa pag-ulan ng batong ga-kamao

0 943

Nawindang ang lahat sa biglaan at walang kaabug-abog na pagputok ng bulkang Taal sa Batangas nu’ng Linggo nang hapon.

Phreatic explosion pa lang daw ‘yon sabi ng Phivolcs at hindi pa mismong explosion, pero grabe na ang naging epekto nito na hanggang Metro Manila ay inabot ng ashfall.

Mula sa “Tala” dance craze na kinabaliwan ng madla ay biglang naging Taal ang sentro ng usapan at laman ng mga balita dahil sa pag-aalburoto nito.

Si Dingdong Dantes ay may shot ng nasabing phreatic explosion ng bulkan mula sa lokasyon niya nu’ng Sunday afternoon sa may Indang, Cavite na hindi kalayuan sa Tagaytay.

Si Jean Garcia ay ni-repost ang IG post ng anak na si Jennica Garcia na kuha ng mister nitong si Alwyn Uytingco na nasa Batangas at may trabaho roon nang biglang bumuga ang bulkang Taal.

Nag-alala si Jennica para sa mister na si Alwyn, pati na sa mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig na sa Tagaytay nakatira.

May pinost na video si Chito na umuulan ng putik at pebbles sa kanilang kotse habang nasa kalsada sila.

Ang parents ni Jolina Magdangal ay doon din nakatira sa Tagaytay at nakakalerky ang naranasan nina Daddy Jun Magdangal na umulan ng abo, pebbles at volcanic rocks na sinlaki ng kamao, tapos ay may thunder ang lightning.

Bukod doon ay madilim pa ang langit at mapanganib mag-drive, amoy sulfur ang hangin, tapos ay may kasama pang paglindol.

Si Willie Revillame ay nagpapalipad ng helicopter niya sa may Batangas nang mag-alburoto ang Taal kaya nakunan ito ng video ng TV host.

Apektado ng matinding ashfall ang sosyaling vacation house ni Willie sa Tagaytay na sobrang dumi at maputik kaya naglinis ang mga tao niya roon sa kanyang bonggang property.

Apektado rin ang hotel and resort ni Mother Lily Monteverde na nandu’n mismo sa bayan ng Taal.

Nasira ang mga bubong dahil sa naipong makapal na abo at ang tubig sa swimming pool ay naging putik, kaya mukhang magastos ang gagawing pagpapa-repair ni Mother.

Naimbitahan kami noon nang mag-grand opening ang Taal Imperial Hotel and Resort ni Mother na si Ms. Vilma Santos ang special guest.

Matteo nag-donate sa mga Taal victim

Si Piolo Pascual ay saktong nagbabakasyon sa kanyang resthouse sa Mabini, Batangas dahil 43rd birthday niya nu’ng Linggo.

Ang ganda nu’ng shot na nasa speedboat si Papa P at nakatanaw sa makapal na steam and ash column na galing sa bulkang Taal.

“My birthday wish right now is for everyone to be safe,” ang tweet ni Piolo kasama ng nasabing pic.

Sa IG naman ay ang ganda rin nu’ng shot niya na bukod sa vertical pillar of gases na galing sa crater ng Taal ay meron pang pabilog na clouds na nakapaikot sa ibabaw nito.

“Happened on my birthday 43 years after I was born… I have nothing but prayers for those who are affected. Let’s all keep it together and help those who are in need,” ang caption dito ni Papa P.

Si Paolo Ballesteros ay nakikipag-inuman sa friends niya sa may veranda ng bahay niya, pero kinailangan nilang pumasok sa loob ng house dahil umambon nga ng abo.

Nang lumabas ulit sila ay ang kapal na ng naipong ashfall.

Sa ginanap na Walk of Fame event sa Eastwood ay may mga hindi nakakain ng dinner dahil nalagyan na ng ash particles ‘yung food na nakahain sa outdoor area para sa celebs at guests.

Ang daming celebrities na nag-post na mag-ingat and take necessary precautions, pati na ang mga dapat gawin kung may ashfall at iba pang useful info na may kinalaman sa volcanic eruption.

Si Matteo Guidicelli ay nangalap kahapon ng food donations for Taal victims na galing sa Landers Superstore. Kinuha nila roon ang mga goods at naka-army uniform pa si Matty kasama ng ibang mga sundalo.

Nakakabilib si Matteo dahil sila raw mismo ang magde-deliver ng kahon-kahong goods and supplies na ‘yon sa mga apektadong lugar.

PAK!!