Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdyowa, 2 pang tulak laglag sa buy-bust

0 179

Swak sa piitan ang apat na tulak kabilang ang mag-live in sa buy-bust operation sa Brgy. Gulod, Quezon City, nitong Black Saturday.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, PBGen Danilo Macerin ang naarestong sina Glen Suratos, 41, at live-in partner nitong si Lucy Mateo, 41, kapwa taga-Brgy. Gulod; at ang sinasabing kasabwat na sina Jay Jay Lopez, 36, ng Brgy. Gulod; at Jose Jamito, 36, ng St. Dominic Homes, Las Piñas City.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ng QCPD-Fairview Police Station 5 (PS-5), alas-4:00 ng madaling araw (April 3) nang maaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa bahay ng mag-live in na sina Suratos at Mateo.

Nakumpiska sa mga suspek ang buy-bust money at walong sachet ng shabu na naglalaman ng tinatayang aabot sa 15 gramo ng shabu na nagkakahalagang P102,000 at isang cellular phone. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.