Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdyowa nagnegosyo ng droga, timbog

0 264

Arestado ang isang mag-asawa na magkatulong sa pagtutulak ng iligal na droga sa anti illegal drug operation sa Lucena City Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Arman Reyes Abdon, 44, at misis nitong si Michelle, residente ng Brgy Marketview, Lucena City.

Sa report ng Lucena City police, isinagawa ang buy-bust operation sa mismong tirahan ng mga suspek at kumagat ang mga ito sa patibong kung saan nakabili ang poseur buyer ng isang sachet ng shabu.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matapos maaresto, narekober pa sa mga ito ang 5 pang sachet ng shabu na nagkakahalagang ₱16,320.00 at isang improvised shotgun.

Sinampahan na ng kaukulang kaso ang mag-asawa. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.