Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdyowa naudlot ang pagpapagawa ng bahay

0 986

Talagang matibay ang pundasyon ng relasyon ng isang magka-loveteam sa harap at likod ng mga camera. May mga dumarating ding problema sa kanilang relasyon pero hindi nagtatagal ang kanilang tampuhan.

Kuwento ng isang source ay ang male personality ang madalas magpakumbaba kapag nagkakaroon sila ng alitan, may kataasan daw kasi ang pride ng girl, kaya ang lalaki na ang nauunang sumusuko kapag nagkakaroon sila ng argumento.

Kuwento ng source, “Madaling humupa ang tampo ng guy, pero ang girl, medyo may katagalan. Mahal niya ang guy, ayaw niyang mawala sa buhay niya, pero mataas ang pride niya.

“Ang lalaki naman, ayaw niya nu’ng may pinoproblema siya, kaya kahit pa hindi naman siya ang unang dapat sumuko, carry lang sa kanya ‘yun,” unang sultada ng impormante.

At malayo na pala ang itinatakbo ng kanilang mga plano bilang magkarelasyon, plano na nilang magpatayo ng bahay, para kapag nagpakasal sila ay meron na silang uuwian.

Patuloy ng aming source, “Ganu’n na talaga kalayo ang mga pangarap nila. Hindi na ‘yun basta boyfriend-girlfriend relationship lang, talagang nasa plano na nila ang pagpapakasal.

“Pati ang bahay na uuwian nila, e, nakaplano na rin. Magse-share sila sa pagpapagawa, ganu’n na sila kaseryoso, wala nang iwanan ang relasyon nila.

“Ang problema lang, e, mukhang magkakaroon sila ng problema sa pagpapaumpisa sa bahay na ipatatayo nila. May matinding nangyari sa career nila, ayaw naman nilang mabitin ang pagpapagawa, kaya saka na muna ‘yun.

“Meron naman silang ipon, kung tutuusin, e, kaya naman nilang magpa-start na kung gugustuhin nila, pero mahirap nga namang magpagawa ng bahay this time.

“Hindi pa nila hawak ang perang pang-sustain nila, puro plano pa lang ang nangyayari sa career nila, paano kung mawala na talaga ang network na pinagseserbisyuhan nila?

“Pero ang mahalaga, e, matibay ang foundation ng relasyon nila, ‘yun ang pinakaimportante, walang kahit sino at anong makapagpapahiwalay sa kanila,” pagtatapos ng aming source.

Sahod ni Terrence inayuda sa mga frontliner

Hindi lang ang kanyang mga kasamahang basketball players ang pumupuri sa kagandahan ng puso ng magaling na point gurad ng SMB na si Terrence Romeo.

Maraming kababayan din natin ang humahanga sa basketbolista dahil sa malaking tulong na ipinamamahagi niya sa mga kababayan nating nangangailangan.

Tatahi-tahimik lang si Terrence, pero mismong mga frontliners ng mga ospital ang nagkukuwento na panay-panay ang pagpapadala niya ng mga face mask, face shield at marami pang ibang kagamitan para sa proteksiyon ng mga doktor at nurses.

Hindi siya humihingi ng donasyon, sarili niyang pera nag ipinambibili ng mga kagamitan ni Terrence, kaya saludo sa kanya ang mga basketball players na nakakabalita tungkol sa kanyang kabutihan.

Katuwang ni Terrence sa pag-aasikaso sa kanilang mga donasyon sa ospital ang kanyang misis na si Pia. Pareho kasing mabuti ang puso ng mag-asawang ito.

Naturingang mula sa angkan ng mayaman si Pia Romeo, pero ang puso nito ay palaging malapit sa maliliit, kaya naman mahal na mahal ang negosyante ng kanyang mga empleyado.

Kuwento ng aming source, “Ang buong suweldo ni Terrence sa SMB, ‘yun ang ginagastos niya sa pagdo-donate sa mga frontliners at sa iba pang mga kababayan nating nangangailangan.

“Brusko lang siyang tingnan sa paglalaro, kinaiinisan siya dahil magaling naman talaga siyang point guard, pero maganda ang puso niya.

“Alam niya ang feeling ng nangangailangan, ng maging kapos sa buhay, dahil hindi naman siya ipinanganak na mayaman,” kuwento ng aming source.

Three points!

Leave A Reply

Your email address will not be published.