Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdyowa pinabulagta ng tandem

0 231

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang mag-asawa ng riding-in-tandem na dumikit sa kanilang sasakyan sa Quezon City, Lunes ng gabi.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Leo Dota­do Gupit, 29-anyos, may asawa, sari-sari store owner at misis niyang si Lyn Alcos-Gupit, 28, kapwa residente ng Aguinaldo St., Pasong Tamo, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ban­dang alas-8:00 kamakala­wa ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng Aguinaldo at Magsaysay Streets sa Brgy. Pasong Tamo.

Batay sa imbestigasyon ni P/CPL. Mark Darwin Contado, isang nakilalang Lester ang nasa loob ng kanilang bahay nang ma

karinig ng magkakasunod na putok ng baril sa labas.

Pagsilip umano ni Les­ter ay nakita niya ang isang babae at lalaki na kapwa duguang nakabulagta sa tabi ng kanilang impro­vised motorcycle (kulong-kulong) habang papata­kas naman ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo patungo sa direksiyon ng Gukbet St.

Agad namang ipinag­bigay-alam sa mga opisyal ng Barangay Pasong Tamo ang naganap na krimen at matapos ay inireport sa mga awtoridad.

Ayon sa SOCO, si Leo ay nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at braso habang si Lyn ay tinamaan din sa dibdib at kaliwang tainga.

Masusi nang nagsasaga­wa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa naganap na pamamaril. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.