Abante Tonite Interactive

Magdyowa sinaway sa away

423

Magandang araw mga ka-Misteryo! Naka­rinig na ba kayo ng boses-Maligno o Engkanto o ano pa mang nasa kabilang dimensiyon? Nakakatakot ba? ‘Yan ang pag-usapan natin “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo.’

Naikuwento ni Ruben ng Makati sa #TeamMisteryo ang kakila-kilabot na karanasan niya at kanyang girlfriend habang sila ay nag-uusap sa cellphone.

Magkagalit sila noon ng kanyang GF dahil sa pagseselos ng babae kaya’t nagkasagutan sila sa telepono.

Galit na galit ang GF ni Ruben dahilan para bigla siyang tinawagan at todong mura ang inabot niya at tila tumatagos sa cellphone ang ma­tinding galit ng babae.

Sinikap ni Ruben na pahupain ang loob ng kanyang GF pero tila ayaw tumigil sa pagsasa­lita ang babae… nang biglang nakarinig silang dalawa ng kakaibang tunog at biglang hina ng signal ng kanilang cellphone
Ang tunog ay kapwa nila narinig sa kani-kanilang cellphone at napansin nila na parang may nagsasalita at nagagalit.

Dito na kinabahan si Ruben at ang kanyang GF pero inakala pa rin nilang baka may nasagap lang na signal sa telebisyon o radio communication at ‘yun ang sumisingit sa kanilang cellphone.

Sa isang iglap ay lumakas ang boses na narinig nila, boses babae na tila galing sa balon, nagagalit.

Nang tanungin ng #TeamMisteryo kung may naintindihan si Ruben at ang kanyang GF sa sinabi ng boses.

Ruben: Nu’ng una wala ako maintindihan kalaunan narinig ko ang mga katagang, ‘tumi­gil kayo’, ‘wag kayo mag-away!’

Team Misteryo: Ano pa ang sinabi ng boses?

Ruben: Biglang humina ‘yung boses babae, may boses lalaki na gustong sumingit at parang galit din.

Team Misteryo: Naintindihan ninyo ba ‘yung sa boses lalaki?
Ruben: Hindi pero parang ibang lengguwahe, hindi namin maintindihan. Masakit sa ulo. Pati GF ko sumakit din.

Team Misteryo: Pagkatapos nun ano nangyari?

Ruben: Biglang may matining na tunog na tagos sa loob ng tenga namin masakit sa ulo hanggang sa unti-unting nawala.

Sinabi pa ni Ruben na pagkatapos nun ay bigla niyang nari­nig sa kabilang linya ang kanyang GF na nagtaka rin at nangilabot sa narinig.

Pareho nilang narinig ang pag­singit na mga boses hindi lang nila maintindihan kung ano ito, sino sila at bakit nangyari ito sa kanila?

Pero paliwanag ng #TeamMisteryo hindi na ito bago sa ngayon dahil kayang pasukin ng mga taga-ibang dimensiyon ang mga gadget na ginagamit ngayon ng tao.

Kilala ito sa EVP o electronic voice phenomena at white noise kapag nagpakita sila sa screen ng telebisyon. Maaari itong mangyari kahit kanino tulad ni Ruben at ang kanyang GF. Maaaring kagagawan ‘yun ng mga Ekstra-Terestriyal dahil may kasamang matining na tunog at sabay silang nakari­nig sa biglang si­ngit na boses o ‘di man kaya ay maligno.

Ingat lang po tayo, may mga mahiwagang boses na maaaring magdikta sa tao na ang iba ay nauuwi sa maagang kamatayan.

Para sa inyong kakila-kilabot na kuwentong karanasan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang website ng Abante at Abante Tonite at www.reytsibayan.com.