Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdyowa sosyo sa shabu, kalaboso

0 118

Sabay na nakalaboso ang magdyowa sa Quezon City nang makumpiskahan ang mga ito ng P340,400 halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Quezon City.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) Police ang suspek na sina Hakim Ampaso, 24, at Johanifa Mangotara, 23-anyos, kapwa taga-Phase 1 Bagong Silang, Caloocan City.

Bukod sa nasabing 50 gramo ng shabu, nasamsam din sa dalawa ang isang cellphone at buy-bust money.

Isinagawa ng mga anti-drug operatives ng PS5 at PDEA RO4 ang operasyon alas-10:40 ng umaga sa Barangay North Fairview.

Sa ngayon ay nakakulong na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave A Reply

Your email address will not be published.