Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdyowa sosyo sa shabu, kalaboso

0 68

Umaabot sa P204,000 halaga ng shabu ang nasabat sa magdyowa matapos ang ikinasang buy bust operation ng Marikina Police, Sabado ng gabi sa Barangay Calumpang.

Sa nakalap na report sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang magsosyong magkarelasyon na sina Eloisa Hipolito y Gabriel, 32 at Von Jovi Olivia y Senga, 26, kapwa taga-Barangay Calumpang, Marikina City.

Ayon kay Marikina Chief of Police PCol. Restituto Arcangel, inaresto ang mga suspek alas-6:00 ng gabi sa buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PLt. Antonio Balois Jr.

Isang police na umaktong poseur buyer ang nakipagtransaksyon para makabili ng droga sa halagang P1,000 saka dinampot ang dalawa.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 5 piraso ng small plastic sachet na naglalaman ng shabu, 3 medium plastic sachet na 30 gramo at nagkakahalaga ng P204, 000. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.