Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdyowa swak sa P13M shabu

0 266

Magkasama hanggang kulungan ang mag-live in partner nang makumpiskahan ng aabot sa P13.6 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni QCPD Director, PBGEN Ronnie Montejo ang suspek na sina Jonathan Condeza alyas Tantan, 41, at ka-live in na si Maribel Salipot, 27, kapwa taga-Bagong Bario, Caloocan City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni Talipapa Police Station Commander P/Lt. Col Jeffrey Bilaro, alas-10:15 ng gabi nang maaresto ang dalawa sa Home Land Subd, Brgy. Tandang Sora, QC.

Nakumpiska sa mga ang 2-kilo ng shabu na nagkakahalagang P13,600,000, isang cellphone at mga IDs. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.