Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdyowa tinaga ng mga bisita

0 140

Tadtad ng mga taga sa katawan ang isang mag-live in nang makita ng kanilang mga kapitbahay sa Talakag, Bukidnon, Lunes ng gabi.

Sa report, kinilala ang mga biktima na sina Dennis Morata at Josephine Ramos.

Sinabi ng mga pulis na bago ang insidente, may bumisita sa mag-live in. Hindi naman tukoy ang pagka­kakilanlan ng mga ito.

SM food to go Banner Ad

Sinabi pa sa report na tila nag-kape pa ang mga bumisita.

Sa ngayon, humingi na ng tulong ang mga pulis sa posibleng pagka­kakilanlan ng mga bisitang suspek.

Inaalam na rin ng pulisya ang motibo sa pagpatay habang nanawa­gan ang mga kaanak ng mga biktima ng agarang hustisya sa insidente. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.