Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdyowang akyat bahay niratrat

0 347

Patay ang isang miyembro ng Salisi gang habang sugatan ang kinakasama niyang katulong sa isang police operation sa Baranga Pantok, Meycauayan City, Bulacan, Biyernes ng hapon.

Sa report ng pulisya, nakilala lang sa alias Tangkad ang napatay na suspek bunga ng tinamong bala sa katawan. Isinugod naman sa pagamutan ang live-in partner nito nang tamaan ng bala matapos yumakap sa kinakasama sa kasagsagan ng operasyon.

Sa inisyal na imbestigasyon ni P/Major Leo Aquino, chief of police ng Obando Municipal Police Station, pinasok ng mga suspek sa pamamagitan ng isang maid ang bahay ng amo mula sa mayamang pamilya at tinutukan ng baril ang mga tao sa bahay.

Niransak ng grupo ni Tangkad ang mga mamahaling relo tulad ng rolex, cellphones, laptop pati ang kaha de yero ay tinangay.

Nagtago ang mga ito sa kanilang hide-out sa boundary ng Marilao-Meycauayan sakop ng Baragay Pantoc ngunit lingid sa kanilang kaalaman, nakabukas ang GPS ng isang cellphone na kasama sa kanilang tinangay.

Agad humingi ng tulong sa tanggapan ni P/Major Aquino ang nabiktima at sa follow-up operation ay nagkabarilan nang manlaban umano ang suspek ngunit napatay din sa engkuwentro.

Sugatan naman ang yumakap nitong ka-live in habang nadakip ang dalawa pang suspek at nakumpiskahan din ng limang pakete ng shabu. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.