Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdyowang kabit todas sa ‘bawal na pag-ibig’

0 524

Dahil umano sa ‘bawal na pag-ibig,’ patay ang mag-live in partner matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad sa Barangay Rimos 5, Luna, La Union noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Isidro G. Tierra, 49, at ang kanyang kasintahan na si Dalia G. Navarro, 46, fish vendor, parehong may-asawa at taga-Barangay Rimos 5 ng nasabing bayan.

Sa inisyal imbestigasyon, ayon sa Luna Police Station (LPS), nangyari ang insidente alas-6:20 ng umaga sa nasabing barangay kung saan naglalakad ang magdyowa sa kalsada.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, biglang lumapit ang isang motorsiklo lulan ng dalawang kalalakihan na pawang naka-helmet, nilapitan ang dalawang biktima at walang sabi-sabi itong pinagbabaril gamit ang .45 pistol.

Tumimbuwag agad ang magkasintahan sa kalsada. Dead on-the-spot si Navarro habang dead-on-arrival naman si Tierra sa Bauan District Hospital, La Union.

Agad namang tumakas ang mga suspek gamit ang motorsiklo sa hindi pa malamang direksyon, ayon sa LPS.

Sinabi ng pulisya, na ‘illicit love affair’ ang nakikita nilang motibo sa pagpatay sa mga biktima, na sinasabing kapwa may mga pananagutan na sa buhay.

Nagsasagawa na ng follow-up imbestigation ang LPS hinggil sa insidente. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.