Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdyowang magkaangkas sa motor, tepok sa truck sa QC

0 335

Magkasabay na binawian nang buhay ang magkasintahan nang mabangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng truck sa Aurora Boulevard, Brgy. Dona imelda, Quezon City, nitong Lunes ng tanghali.

Agad na namatay sa lugar na pinangyarihan ng aksidente ang mga biktimang sina Andrei Hernandez, 23, residente ng Mandaluyong City at kasintahang si Sanika Geron, 24, ng Punta, Sta. Ana nang mgulungan ng truck.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl. Wagner Acquisio, ng Quezon City Police District (QCPD) District Traffic Enforcement Unit, Traffic Sector 4, dakong alas-12:43 ng tanghali (November 30) nang mangyari ang malagim na aksidente sa Aurora Blvd. near corner G. Araneta Ave., Brgy. Doña Imelda, QC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Batay sa pahayag ni Analisa Lucas, ng Brgy. Doña Imelda Health Emergency Response Team, galing Sta. Ana ang magkasintahan sakay ng Honda Click Motorcyle at papunta sana sa area ng Cubao, nang araruhin ng truck na minamaneho ni Jericho Villarin.

Sa lakas ng impact ay kapwa bumagsak ang magkasintahan at napailalim sa truck at nagulungan.

Samantala, nasugatan din ang isa pang rider na si Marlon Resurrecion nang mahagip ang minamaneho nitong Honda Wave Motorcycle at nagpapagaling na sa ospital. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.