Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdyowang plastik nabuking ng masahista

0 168

Isang dating masahistang babae ang matagal na humawak sa isang kilalang female personality kapag nagpupunta sa kanilang clinic. Ito ang hinahanap ng babaeng personalidad dahil magaan daw ang mga kamay nito.

Kilalang-kilala na ng masahista ang female personality dahil kapag tinatamad siyang magpunta sa clinic ay ang masahista na lang ang pinapupunta niya sa kanyang bahay.

Kamag-anak ng aming source ang masahista, marami silang pinagkukuwentuhan tungkol sa aktres, mga istoryang nakakamangha at nakakaloka.

Unang kuwento ng aming source, “Maldita pala ang girl. Hindi siya mabait sa mga kasambahay niya, masakit siyang magsalita, kuwento ‘yun ng mga maid-of-cotton sa masahista.

“May kaartehan pala ang girl, kailangan pa munang maligo ng masahista bago siya trabahuhin. Wala pang pandemya nu’n, ha? Ganu’n na talaga siya,” kuwento ng aming impormante.

Simangutera rin kuno ang female personality, parang lagi siyang nakakaamoy ng kung anong mabaho, kaya naiilang sa kanya ang masahista.

Patuloy ng aming source, “Mahirap daw ispilengin ang mood ng girl. Sasabihin niya na hard ang gusto niyang masahe, kapag ginawa naman ‘yun, bigla siyang magagalit, gusto na raw bang baliin ng masahista ang mga buto niya?

“Kapag hininaan naman ang pagpisil sa kanya, bigla niya namang sasabihin, ‘Kumain ka ba bago ka nagpunta dito?’ Naguguluhan na tuloy ang masahista kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari!

“Marami na pala siyang mga kasambahay na alisan nang alisan dahil sa kanyang ugali. Walang nagtatagal sa kanya, mismong mga maids niya ang nagkukuwento,” dagdag na istorya ng aming source.

May isang bagay na nakagulat sa source, ang kuwarto ng female personality ay punumpuno ng mga retrato nila ng isang kilalang male personality na matagal nang napapabalitang boyfriend niya, pero pareho silang nagdedenay.

“Nakakaloka siya kung makailing kapag tinatanong siya kung sila na ba ng male personality? Naiinis siya, kailangan daw nila ng privacy, samantalang parang museum naman ang kuwarto niya na punumpuno ng mga pictures nila nu’ng male personality.

“Plastic! Bagay na bagay sila nu’ng male personality na super-plastic din! Magsama silang dalawa!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Derek, Ellen tinalakan ni Long na walang basehan

Masarap pakainin ng siling-labuyo si Long Mejia. Daig pa niya ang manok na kaiitlog lang sa kapuputak. Nagpabibo siya, kung anu-anong masasakit na salita ang ipinukol niya laban kina Ellen Adarna at Derek Ramsay, samantalang wala naman pala siyang alam tungkol sa naganap.

Sinumbatan pa niya si Derek na kung may kahihiyan ito ay hindi sana natulog-nagpahinga sa kuwarto ni Ellen na produksiyon ang nagbabayad. Sino raw ba si Ellen Adarna?

Sikat daw ba ang aktres na akala mo kung sinong basta na lang iiwanan ang taping? Kung anu-anong paghusga ang lumabas sa bibig ng daldakinong komedyante.

Naghahalusinasyon siguro si Long Mejia sa kakukuda. Nakalimutan na yata niyang John en Ellen ang titulo ng sitcom na kasali siya?

Nagdadakdak siya nang nagdadakdak, pero ilang sandali lang pagkatapos ay hayun na siya, humihingi ng dispensa sa mga taong hinamak-hamak niya.

Pasensiya na raw dahil walang nagsabi sa kanya tungkol sa totoong naganap, akala raw kasi niya ay totoong nag-walkout si Ellen, pagpasensiyahan na raw siya nina Ellen at Derek.

‘Yun ang mahirap kapag masyado nang naniniwala ang personalidad na magaling siya. Satsat na lang nang satsat nang walang basehan.

Hindi na kami nagtataka kung bakit ayaw na ayaw kay Long Mejia ng isang sikat na male personality. Kapado na nito ang ugali ng komedyante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.