Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdyowang suspek nagpanggap na kustomer resto owner binoga sa ulo

0 283

Dalawang tama ng bala ng baril ang itinanim sa ulo ng negosyante ng isang lalaki at babae na hinihinalang magkasintahan at nagpanggap na magpapa-reserve sa pag-aaring restaurant ng una sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Ang biktimang namatay noon din ay si Mark Bien Urieta, 36, may-asawa, negosyante at taga-73 Emerson Bldg E. Rodriguez, Brgy Doña Josefa, ng nasabing lungsod.

Base sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang insidente ay naganap alas-6:30 ng gabi sa loob ng Crabaholic Grill and Restaurant sa No. 73 Emerson Bldg E. Rodriguez, Brgy Doña Josefa, QC.

Sa pahayag ng empleyado ng biktima na si Cassandra Fuentes kay PCpl Tanog Morshid, imbestigador ng CIDU-QCPD, abala sila sa paglilinis sa loob ng restaurant nang biglang pumasok ang isang lalaki at babae at nagtanong ng ‘reservation.’

Nang harapin sila ng negosyante, bigla nang pinaputukan sa ulo ang biktima bago mabilis na tumakas.

Nasamsam sa cime scene ng SOCO team sa pamumuno ni PLt. John O Agtarap ang apat na ‘fired cartridge cases, 2 lead core at 2 deformed metal jacket fragment.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa naganap na pamamaril upang makilala ang mga suspek. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.