Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Magdyowang tulak, bagsak sa buy bust

0 73

Swak sa kulungan ang magdyowa na umano’y bagong recruit na mga drug pushers matapos silang maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PLt. Doddie Aguirre ng Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela City Police Station, paglabag sa Section 11 and Section 5 Under Article 11 of R.A. 9165 ang ikinaso sa mga nadapuling suspek na sina Glenn John Rances, 30 at Nica Tagolino alyas Neng, 23, kapwa taga-3854 Clemente Compound, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing siyudad.

Sabi pa ni Lt. Aguirre, nasa watch list nila ang magdyowa bilang mga new listed drug pusher matapos bentahan ng shabu ang kanilang asset, kaya isinailalim ang mga ito sa surveillance.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kahapon ng alas-4:20 ng umaga, ikinasa ang buy bust operation. Nagkunwaring mga poseur buyer at bumili ng P1,000 halaga ng shabu sa mga suspek sina PCpl. Ed Shalom Abiertas at PCpl. Jhun Ahmad Arances.

Matapos ang kaliwaan, dinamba ng mga parak sina Rances at Tagolino. Nang kapkapan nakuha sa kanila ang kabuuang 4 na gramo ng shabu na may market price na P27,200.00.

No bail recommended ang desisyon ng Prosecution kina Rances at Tagolino. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.