Abante Tonite Interactive

Mageirocophobia – phobia sa pagluluto

23

Ang papaya ay itinuturing na medicinal fruit at may kakayahang mabilis mapalambot ang karne sa mabilis na paraan dahil sa taglay nitong enzyme na papain.

***

Mageirocophobia ang tawag sa mga taong may phobia sa pagluluto.

***

Alam niyo bang ang mangga ay kabilang sa pamilya ng kasuy.

***

Ang asin ang sinaunang pambayad sa mga sundalong Romano. Ang tawag dito ay ‘salarium’ na pinagmulan ng salitang ‘salary’ o suweldo.

Ang mga uri ng asin ay depende sa dagat o tubig na pinagkukunan ng mga ito.

***

Ang adobo ay nagmula sa salitang Kastila na ‘adobar’ na ang ibig sabihin ay marinade o ibabad.

***

Ang kamatis ay prutas at hindi gulay dahil mayroon itong buto. Ginagamit itong panahog dahil hindi ito matamis.

***

Ang talong ay kabilang sa pamilya ng mga berry. Ang pangalan nito ay hango sa kulay puti at dilaw ng itlog kaya tinawag na eggplant.

***

Ang mani ay hindi kabilang sa pamilya ng ‘nut’ kundi legume.

***

Ang suka bukod sa panluto ay ginagamit na panglinis ng salamin at bintana. Gamot din ito sa sakit ng ulo at lagnat at pantanggal ng chewing gum na aksidenteng dumikit sa buhok.

***

Ortharexia Nervosa ay isang uri ng eating disorder kung saan nao-obsessed ang isang tao sa pagkain ng healthy foods.

***

Alam ba ninyong ang ketchup ay unang ibinenta noong 1830 bilang isang uri ng gamot.

***

Ang pagkain ng isang kutsarita ng asukal ay mabisang paraan para matanggal ang sinok.

***

Ang tea bag ay unang inilabas sa New York ni Thomas Sullivan noong 1908.