Abante Tonite Interactive

Maggie bet magsariling sikap

660

Mukhang hindi talaga papayag na mapag-iwanan sa karera ng mga “hot momma” ang travel host na si Maggie Wilson.

Wala ni isa man sa mga post nito sa kanyang social media account na hindi siya nagbabahagi ng kanyang bikini shot.

Kung meron man siyang mga pics sa Instagram wall niya nang naka-damit, napakadalang.

May karapatan naman talagang maghubad si Maggie maski pa may anak na. Mas bumagsik pa nga sa kasalukuyan na animo’y mas lumakas pa ang kanyang sex appeal.

Iba rin naman ang confidence ni Maggie sa pagpapakita ng kanyang hubad na katawan sa IG. Kahit braso at palad niya ang nakatakip sa kanyang dibdib, makikita kung gaano siya kakampante sa kanyang kaseksihan.

Puwede ngang tawaging “Idol ni Mister” ang kabuuang ganda nito.

Walang lalake ang makakapag-isip pa na magloko at pumatol sa ibang babae, kung ang misis nila ay gaya ni Maggie.

Bukod sa pagiging loving wife, dedicated mother at hard-working.

At, hindi porke construction magnate ang napangasawa nito, lagi na lang ito nakasahod sa ibibigay ng kanyang asawa. Mas bet niya gastusing pera ay mula sa sarili niyang pagsisikap.

Career-oriented siya. May sariling kita mula sa kanyang mga shows at designer company.

Total package nga ang gaya ni Maggie para sa mga mister na naghahanap ng isang adventurous and yet loving, happy and stress-free marriage relationship. (Rey Pumaloy)