Abante Tonite Interactive

Maggie effortless magburles

0 558

Iba ang alindog ni Maggie Wilson. Pang- Hollywood,pang- international ang dating.

Keri itong pumasang leading lady sa installment film na “James Bond” bilang Bond girl.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa mga babaeng nagnanais na ma-achieve ang kariktang meron si Maggie.

Wala siyang work out vid o photos na naka-post sa Instagram wall na nagpapakita kung paano hinuhubog ang kanyang wowow body.

Kaya nga umiikot ang utak ng mga netizen kung ano ang beauty secret ni Maggie.

Nakakaloka naman kasing magbibinata na ang kanyang unico hijo na si Conor pero mukhang masasabayan pa n’ya ang anak sa paglaki nito.

Super fresh at makatas pa ang sex appeal ni Maggie. Wala ito sa ibang one-son Mommy na haggard sa pagbuno ng kanilang katawan sa gym at diet.

Kaya nga nginangatngat ng inggit ang mga barako sa mister ni Maggie sa pagkakaroon ng kartada 10 na kaseksihan . (Rey Pumaloy)