Abante Tonite Interactive

Maggie enjoy sa paghuhubad

306

Malinaw na may kakaibang hatid kay Maggie Wilson ang pagtatampisaw niya sa tubig-dagat dahil nagta-transform ang beauty queen-vlogger kapag nasasayaran na ng simoy ng hangin-dagat ang kanyang balat.

Kapag nasa isang island resort na si Maggie, hindi puwedeng hindi siya maghubad at maglandi sa kanyang mga follower sa social media.

Nanghampas na naman ng lakas ng kanyang dating si Maggie sa isang larawan niya sa Instagram kung saan topless o wala siyang suot pang-itaas.

Tanging kamay lang niya ang nakatakip sa kanyang dede. At sa masayang mood ng kanyang mukha, walang dudang gustong-gusto niya ang kanyang ginagawa.

Ang suwerte ni Maggie sa pagkakaroon ng isang successful businessman hubby na supportive sa kanyang pagbalandra ng kaseksihan sa madlang pipol.

‘Yun bang kahit anong gawin niyang paghuhubad, na kulang na lang ipakita niya ang kanyang hiyas, ay hindi pa rin umaangal sa selos ang asawa niyang si Victor Consunji.

Well, kung ang gaya naman ni Maggie na saksakan naman ng sexy at ganda ang misis mo, proud kang ipangalandakan ito sa buong mundo.

Sentro ng inggit at inspirasyon sa kababaihan si Maggie lalo na ang mga babaeng tuyo na ang utak sa kakaisip kung kailan sila magkakaroon ng beautiful body gaya nito, kahit nagkaanak na.

Hindi simpleng babae si Maggie. Hindi ito normal na gaya ng ibang Pinay, dahil namumukod-tangi ang kanyang alindog at karisma.

Siya ang babaeng hindi gugustuhin ng sinumang normal na Pinay na makasabayang magngalandakan ng bikini outfit sa dagat.

Siguradong dadanak ng hiya at insecurities ang mga babaeng tatabi kay Maggie para hamunin ang pigura nito.
Lalamon muna ng buhangin bago maabot o mapantayan ang almost “perfect” body form nito.

Wala pa dito ang iba pang qualities nito, na siyang nagbigay daan para maging isa syang TV personality at maging beauty queen.