Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maggie hiwalay na sa dyowa

0 137

NI: VINIA VIVAR

Hiwalay na ang dating beauty queen na si Maggie Wilson sa kanyang businessman husband na si Victor Consunji. Inanunsyo niya ito sa kanyang Instagram page kagabi.

“We want you to hear it from us directly,” bungad ni Maggie sa kanyang post.

“Vic and I have made the difficult decision a while back to separate. It’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us,” she added.

Bagama’t hindi na sinabi ni Maggie ang dahilan ng hiwalayan, aniya ay magkaibigan pa rin sila ni Vic . Mananatili pa rin ang kanilang suporta’t pagmamahal sa isa’t isa lalo pa nga’t mayroon silang anak.

SM food to go Banner Ad

“We will always love and support each other no matter what. We will always be family as we share our beautiful son, Connor together. We have remained really good friends and partners and will continue to do so,” saad niya.

Hangad daw nila ang kaligayahan ng isa’t isa at hinihingi ang pang-unawa ng publiko.

“Both of us want nothing more than for each other to be happy. We’d like to ask for your kindness, understanding, love and support as we navigate this new chapter in our lives,” pagtatapos ng Bibining Pilipinas-World 2007.

Sa comment section ay dumagsa naman ang suporta’t pagmamahal sa kanya ng netizens and celebrity friends tulad nina Sarah Lahbati, Ruffa Gutierrez at Maxene Magalona.

Matatandaang ikinasal sina Maggie at Victor noong 2010. Two years later ay isinilang niya ang kanilang anak na si Connor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.