Abante Tonite Interactive

Maggie hiyas na mahirap sisirin

By
1,615

Kung mayroon mang titulong Bikini Dream Girl, wala nang ibang swak para rito kundi si Maggie Wilson.

Mula ulo hanggang paa, buhok, katawan, braso, mukha, at kutis, panalong-panalo ang former actress at beauty queen. Kapag nag-post na si Maggie ng kanyang bikini body at bikini shots sa kanyang Instagram wall, wala nang puwedeng pumantay o tumapat man lamang sa tindi ng kanyang kaseksihan.

Grabe ang kariktan ni Maggie na hindi puwedeng tawaran ng kahit sino. Tuwing magpo-post nga si Maggie ng kanyang bikini photos, kahit mga beauty queen na kasamahan sa industry ay pinupuri ang kanyang alindog.

No wonder kung bakit mas lalong gumaganda ang view ng dagat, ng buhangin, ng mga bundok, ng rock formation, dahil na rin sa ganda at kaaakit-akit na kaseksihan ni Maggie.

Si Maggie talaga ang perlas ng karagatan. Siya talaga ang matatawag na living-mermaid dahil nasa kanya ang katangian ng isang babaeng nagpapakulay ng isla. Kinaiinggitan, kinababaliwan, pinagseselosan, hinahangaan, iniidolo ng maraming kababaihan ang alindog ni Maggie.

Pinagnanasaan, pinagpapantasyahan, iniilusyon, at sinasamba naman ng kalalakihan ang kabuuang angas nang alindog ni Maggie.

Kaya hindi naman kataka-taka kung bakit pinigil ni Victor Consunji, ang magnate husband ni Maggie na magpatuloy ang huli sa kanyang acting career. Ang taglay na kagandahan, kaseksihan ng isang Maggie Wilson ay hindi na dapat pang isini-share sa ibang leading men at hindi ito dapat hinahawakan ng kahit sinong aktor.

Si Maggie ay parang isang mamahaling hiyas ng dagat na mahirap nang hanapin o sisirin.