Abante Tonite Interactive

Maggie nakakapanlagkit mang-akit

596

Kung may anghel na dapat tawagin sa lumpon ng mga bikini babes, ‘yan ay walang iba kundi si Maggie Wilson.

Hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang alindog nito.

Parang ulan sa rainy season na ayaw tumigil sa pananalasa ang kanyang alindog.

Abante Hiring – IT dep

Sa pigura nito mahihiya ang sinumang nasa edad n’ya ang nagmamahadera at nangangalandakan ng kanilang bikini bodies.

Wala namang tatapat na nanay na nasa kalibre ni Maggie ang hahamon sa kanyang appeal.

Siguradong kakain ng alikabok ang magtatangka na kabugin ang kaseksihan ni Maggie. May mga one child mommy na gaya niya na nabiyayaan ng sexy body na parang hindi nanganak.

Pero hindi taglay ng mga ito ang appeal ni Maggie na mula ulo hanggang paa ay world class.

Kaya nga hanggang ngayon may mga clamor pa rin na sumali si Maggie sa mga beauty pa­geant para sa mga nanay. Kaya niyang ilampaso ang mga kandidata abroad pero sorry nalang dahil ayaw niya.

(Rey ­Pumaloy)