Abante Tonite Interactive

Maggie nawawala sa sarili

698

Nakakadarang ang init ni Maggie Wilson!

Ito ang babaeng hindi matutuyuan ng alindog sa kahit na anong panahon at klima.

Kung nanalasa sa bansa ang bagyong si “Tisoy”, nanambang naman sa social media ang appeal ng beauty queen-host.

Hindi puwedeng hindi tamaan ang sinumang makakakita sa kaseksihan ni Maggie. Para itong bala na tumatagos sa laman.

Biruin mo naman, mula ulo hanggang talampakan, kartada 10 na maliwanag ang kanyang katawan.

Paano nga ba napapanatili ni Maggie ang ganitong kaseksihan? Ano ba ang sikreto nito?

Nauulol na ang mga babae sa kakaisip kung paano nila magagaya ang alindog. O, maging si Maggie ay halos mawala sa sarili tuwing ibabalandra ang nag-uumapaw niyang sex appeal.

Ang kaseksihan niya ay nakuha niya sa dugo ng kanyang inang Pinay at foreigner na ama. (Rey Pumaloy)