Abante Tonite Interactive

Maggie sabik sa titig

0 352

Nangunguna pa rin si Maggie Wilson sa pagbuyangyang sa Instagram.

Hindi masama ang pagba­landra ng mga bikini photo sa social media, lalo’t summer.

Pero kakaiba talaga si Maggie na bukod sa napaka-kitid ng suot niyang two piece string bikinis, meron pa siyang topless shot na tanging mga kamay at braso lang niya ang tumatakip sa kanyang dibdib.

Parang laging gusto ni Maggie na maging sentro ng atensyon sa socmed. Tila sabik ito sa titig ng mga anak ni Adan.

Siyempre naman, malalagkit ang tingin ng kalalakihan at naglalaway.

Kung sabagay, walang lalaki ang hindi magnanasa kay Maggie dahil pang- international model ang pigura niya.

Isa si Maggie sa mga natatanging celebrity na hinahangaan hindi lang sa estado nito sa buhay ngayon, kundi dahil sa pag-aalaga niya sa kanyang katawan at personality. (Rey Pumaloy)