Abante Tonite Interactive

Maghahari na ang mga cock

118

Mga kasabong sa susunod na buwan tiyak na maghahari na ang mga cock o matatandang manok sa sabungan.

Kaya ngayon pa lang ilaban niyo na ‘yung mga malulupit niyong stags, huwag niyo ng paabutin ng Disyembre.

Sabagay kung derby na may category ang sasalihan niyo OK lang. Pero kung ulutan eh mga cock ang piliin niyong ilaban.

Tip ko lang ay magtiyaga sa ulutan at humanap kayo ng magandang pares o kalaban, huwag ka­yong lalaban ng alanganin.

***

Sa mga nagtatanong ng susunod namin na ipi-feature eh re-sched po ‘yung interview namin kay Sir Honey Yu sa Lucban, Quezon.

***

Bago ko makalimutan, sa mga nag-PM ulit sa akin sa FB, eh may derby na po sa Manila Arena sa Sta. Ana kaya puwede na po kayong pumasyal at magtrabisiya.

Sa susunod po maglalagay ako ng schedule ng sabong dito sa DALUSAPI.

***

Medyo busy po tayo ngayon mga kasabong dahil lalaban kami sa finals ng King Slahers Cup I 6-Stag Derby (2-4 format) sa Nob. 19. Sana po suwertihin.

***

Congratulations po sa mga tropa kong nag-champion sa three hits nitong Linggo, sana manalo pa kayo nang manalo para maka-picture naman, hehehe.
Good luck mga klasmeyt sa laban niyo ­ngayong Linggo.