Abante Tonite Interactive

Maghain ng ‘offer of payment’

By
2,860

Dear Atty. Claire,

Magandang araw po sa inyo. Isa po akong OFW sa Saudi. May nakuha po akong bahay at lupa at nai-loan ko sa bangko ang halos 2/3 nang halaga nito. 1-1/2 years na akong ‘di nakakapaghulog ngayon­ at ang sabi ng bank representative na malalaman ko na lang na ipapa-sheriff nila ito.

Noong una marami silang sulat sa akin noon at naayos ko iyong kulang ko. Pero nahinto ako sa trabaho at hindi ako mu­ling nakabayad… bago lang ako ngayon sa Saudi. Hindi sila sumasagot sa messege ko. Tanong ko ano po ba ang dapat kong gawin tungkol dito. Doon nakatira ang mag-ina ko sa bahay.

Sana masagot ­niyo ako. Maraming salamat po,

Gumagalang
Ramir

***

Dear Ramir,

Malungkot sabihin pero malamang na maiilit o mababawi ng bangko ‘yang ari-aria­n mo sa tagal nang hindi mo pagbabayad ng o­bligasyon mo.

Bago pa man mawalan ng pag-asa ay puntahan muna ang bangko at alamin kung ano na nangyari sa iyong na­ging kontrata sa kanila (Real Estate Mortgage) dahil kung hindi pa naman nila ito napapasubasta (auction) sa publiko ay maaari mo pang mapakiusapan na mul­i kang magbabayad at magkaroon ng isang ‘res­tructured loan’ ngunit malamang na mas ma­laki na ang iyong pagkakautang dahil sa interest at penalty na nakalagay sa iyong kontrata.

Kung ang sabi mo ay nagpapadala ka ng message pero hindi sila sumasagot… pero handa ka nang magbayad ay maaari kang magpadala ng sulat na nagpapahayag ng iyong ‘offer of payment’. Kapag hindi sila sumagot sa sulat mo ay maaari kang magsampa ng petition for consignation par­a ­ilagak sa korte ang iyong bayad. Ngunit siguraduhin lamang na hindi pa ito naipasubasta (auction) sa tulong ng sheriff o notary­ public.

Bilisan mo ang pagkilos dahil siguradong mas malaki ang mawawala sa iyo dahil kapag naibenta na iyan thru a foreclosure proceedings o auction sa halagang mas mababa pa sa utang mo ay wala kang makukuha na anumang halaga at baka magsampa pa sila ng kaso o Complaint for Collection of Deficiency of Mortgage Obligation with Damages para mahabol ang kulang na kabayaran sa utang mo at pagbigyan ito sa isang ‘deficiency judgment’.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com